Hinding hindi ko makakalimutan yung gabing yun na naramdaman kong mag-isa ako sa mundo. Ang lamig. Para akong isang bangkay na basta basta na lang itinapon kung saan. Naramdaman ko ang lamig ng paligid. Ang haplos ng hangin parang kumakaway at nagpapalam sa akin. Di ko mapigilan. Hinayaan ko nalang.
Hinding hindi ko makakalimutan ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi. Para akong nasapian ng kung ano. Nanlulumo at walang lakas. Daig ko pa ang isang kapus-palad na pinagkaitan ng lahat. Walang dumaramay. Nagsisisigaw at naghihintay sa saklolong di naman pala darating.
Hinding hindi ko makakalimutan ang panliliit sa harap ng kawalan. Na parang kandilang nauupos, natutunaw, nawawalan ng sindi at linalamon ng dilim. Animoy sinalo ko ang kasalanan ng buong mundo. Walang kapatawaran.
Ayoko nang balikan ang nakaraan at baguhin ito. Pero sana'y may ama akong mapagkakanlungan, siguro'y di ako aapihin. Sana'y may mamamalagi para samahan ako sa poot ng tadhana, sa aking kadungisan, sa aking pagluha. Sana'y merong taong papansin sa aking angking ganda kung meron man. at magtuturo sakin na umasa at magtiwala pa.
Labels: moment
