Super Bibo Kid

Hi! Umuwi ako ng probinsya last June 12, 2009. Birthday kasi ng bunso kong kapatid si Jang. Naguwi ako ng cake at pinagluto ko sya ng spaghetti. Masaya naman kami. Babalik ako sa July, pero kasama ko na si pig. Sana maging ok bakasyon namin kahit sandali lang. Masaya ako kasi nagbonding kami ng kapatid ko. Bihira ko yun makasama since nagcollege ako, although love namin ang isat isa pero di kami ganun kaclose baka dahil narin sa age gap. Si jang nalang ang High School samin magkakapatid, kaya sya nalang ang naiwan sa probinsya kasama ng nanay ko. Mahirap ang buhay namin sa probinsya, wala kasing trabaho ang nanay ko. Umaasa lang sila sa pension, ako naman bihira lang makapagpadala sa kanila kasi sinusuportahan ko rin yung dalawa ko pang nag-aaral na kapatid sa college. Sana maging maayos ang pag-aaral niya. Meron kaming kasunduan, sana tumupad sya dun. Marami tayong natututunang lesson sa school at sa bahay, pero madalas hanggang theory lang tayo. Minsan para malaman natin ang tunay na halaga ng mga natututunan nating kung ano ano sa school, kelangan pa nating maranasan sa buhay. Halimbawa yung halaga ng pera at pamilya, syempre ang matinong tao ang pipiliin e pera JOKE! syempre pamilya. Pero minsan o madalas di natin alam na iba na pala ang napipili natin. Kaya etong si God, pang check aand balance. Akala ko nun sapat na sa mga kapatid ko na bigyan ko sila ng pambaon sa school, pero mas ok pala kung magsspent ka ng time with them kahit nasa bahay lang kayo, simpleng kwentuhan, kumustahan kahit araw-araw kayong nagkikita e mas mahalaga. Akala ko kaya ko ng bumuhay ng anak, kasi nakakaya ko naman suportahan ang pamilya ko, Bumuhay oo, pero magpalaki, malabo pa. Marami pa akong kakaining bigas para jan sa bagay na yan. Di pala biro ang lahat ng bagay sa mundo. Di pala birong maging panganay. Nsayo lahat ng luho, pwede din namang na sayo lahat ng responsibilities.

Kaya eto, uuwi ulit ako sa JUly, sana hindi masyadong umulan, para makapagbeach kami.

Terminator Salvation

Hi, andito kami ni Pig sa websight dito sa cubao. MAnunuod kami ng terminator salvation mamaya, mahaba pa oras kaya naglaro muna sya ng online games at ako nagblog. hehehehe. napakaloser!

Excited na ako kasi ngayon lang ako makakanuod ng sine! JOKE! hahahaha! Sana maganda, ang gusto ko sana e Angels and Demons kaso inisip ko baka maboring si pig, and since libre naman nya to, nasakanya ang privilege na pumili ng movie. :D

Sa Monday bibili kami ng bag niya, sanamabilis sya makapili at sana ok yun mabili namin. Inaantok na ko..

Malapit na pala anniversary namin. mag twotwo years na kami yahoo! Sana many mores tos comes! Nagtext nanay ko kanina, sabi niya wag muna daw kami pupunta sa mall kasi ng may H1N1, kakatext lang niya pero asan ako ngayon? hahahah!

Kanina ginawa kong avatar yung picture namin ni axis. Miss ko na tuloy agaad sya. Ang matabachoy na asongbaboy. Sige magffriendster at facebook muna ako. Baboosh!

Newer Posts Older Posts Home