ibon man ay may layang lumipad

oo ako ay nagbabalik.
wala pang nagrereply sa mga inapplyan ko. good luck sakin.hahaha! ang month talaga ng august at july nakakabaliw! para akong nasa roller coaster sa mga ganitong buwan ng taon. pero ganun pa man, masaya ako ngayon, all in all. may konting pangamba, pero sabi nga nila, that's why it's called future eh. hindi ko alam kung ito yung first time sa parte ng buhay ko nalaman ko kung san ko gustong tumungo mapa career man o love life.

kailangan ko lang magtiwala kay Lord sa ngayon kasi sa kanya lang ako kumukuha ng strength. nung august 21, 2010, alam kong meron akong nagawang di maganda pero yung blessings niya hindi nagfafail. hiyang hiya ako sa sarili ko. kelan ba ako matututo? at kelan ba ako magbabago? ngayon na dapat mismo.

kung san man ako mapadpad, sana'y wala akong pagsisihan. sana'y wala akong pangamba kasi kasama kong lumipad si God. wala akong maiiwan san man ako mapunta kasi baon ko sila lahat sa puso ko. ang cheesy! hahaha!

ako si may, naghahanap, nagmamahal at lilipad. hay..

0 Comments:

Post a Comment



Older Post Home