Hinding hindi ko makakalimutan yung gabing yun na naramdaman kong mag-isa ako sa mundo. Ang lamig. Para akong isang bangkay na basta basta na lang itinapon kung saan. Naramdaman ko ang lamig ng paligid. Ang haplos ng hangin parang kumakaway at nagpapalam sa akin. Di ko mapigilan. Hinayaan ko nalang.
Hinding hindi ko makakalimutan ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi. Para akong nasapian ng kung ano. Nanlulumo at walang lakas. Daig ko pa ang isang kapus-palad na pinagkaitan ng lahat. Walang dumaramay. Nagsisisigaw at naghihintay sa saklolong di naman pala darating.
Hinding hindi ko makakalimutan ang panliliit sa harap ng kawalan. Na parang kandilang nauupos, natutunaw, nawawalan ng sindi at linalamon ng dilim. Animoy sinalo ko ang kasalanan ng buong mundo. Walang kapatawaran.
Ayoko nang balikan ang nakaraan at baguhin ito. Pero sana'y may ama akong mapagkakanlungan, siguro'y di ako aapihin. Sana'y may mamamalagi para samahan ako sa poot ng tadhana, sa aking kadungisan, sa aking pagluha. Sana'y merong taong papansin sa aking angking ganda kung meron man. at magtuturo sakin na umasa at magtiwala pa.
Labels: moment
Labels: kalaro
Labels: kalookan ni bay ong
Labels: moment

Gusto ko lang ivisit ang blog ko. Pero nakaramdam ako na gusto kong magpost. kaso ano? ano ang ipopost ko? wala naman akong naiisip. Eto nalang blue jeans ko. Pero hindi to pants ah, blouse to.hahaha! college pa ako nito at hanggang ngayong may trabaho na ako. "IN" parin ito sa aking wardrobe. Ayaw pang aminin, wala lang talagang masuot.hahaha!
Labels: sari sari
May mga bagay na di talaga talo.
May mga bagay na kahit bigyan mo pa ng ilang libong one more chance, di parin swak.
Gusto ko sumuko, or should I say, sumuko na ako.
Kanina galit na galit ako, lahat ng bagay na nakikita ko ang mukha niya, sinira ko lahat. Makaganti man lang.
Sanay ako ng sinusuyo ako. Gusto ko laging ganun. Abnormal ko no? Pero sino bang ayaw dba?
Inis na inis ako sa totoo lang. Sasabog ako kung di ko to ilalabas. Tae talaga!
Kanina nagpost ako ng comment sa isang restaurant na bulok ang mga crew, di ko naman nakita yun post ko, bobs talaga, kelngan pa palang iclick yun”flag”.harhar.
Ngayon, eto dinadaan sa pagsusulat ang nadarama. Bukas halfday ako meron akong aasikasuhin. Ano kayang plano sakin ni Lord, Sa ngayon di ko Makita yun blueprint, Malabo. Siguro kasi pangit yun awra ko.
Sa tingin mo? Sa ugali kong ito, karapatdapat ba akong makipagrelasyon?????
HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEee………
Bad trip! Siguro batang isip ako. Anu bayan! Puro siguro nalang ako. Isa akong basang sisiw ngayon. Tinext ko yun crush ko dati, kaso puro kaekekan ang reply niya. Di yata kami nagkaintindihan, magkaiba kami ng lengguahe.
Sa nagbabasa, pasensya na, wag mo nalang ituloy ang pagbabasa, wala ka rin makukuhang matino dito. Di magandang magbasa ng malulungkot na kwento. Malulungkot ka rin sige ka. Mahirap pag di mo makuha ang gusto mo. Lalo na kung gustong gusto mo. Gantihan lang yan. Hahahahha! Bad! O ayan ah, tumatawa na ako. Meron ng hahahahah.
Nacocornihan ako dito sa Asero, nun nawala si Angel Locsin, di na sakin patok si Richard. O Opinion ko lang yan ha. Dapat me gagawin ako ngayon eh, OT sa bahay. Trabaho. Kaso wala ako sa mood. Atsaka walang bayad eh. Nakakapagod.
Gusto mo nabang mamatay? Ako… hindi pa pwede. Marami pang umaasa sakin. Pero pano kaya kung wala, handa naba ako? Na mamatay?
Ang ganda ng MY Husband’s Woman ano? Ako pinapanuod ko yun lagi eh. Kaso sobrang gabi na sya pinapalabas. Puyat tuloy ako madalas.
Sana merong nabubuhay na super hero ditto sa mundo ano? Para kung di mo na kaya pang kumapit,may lilipad para saluhin ka.
Pasensya kana ulit. Inaaliw ko lang sarili ko. I’m so down. Im so low. Low.low.low.low. Kinanta mo? Patok yun no?
Siguro wala akong pinag
Kaiba sa mga waiter sa Little Asia Greenhills, mga bastos. Bastos din siguro ako. May appointment ako bukas, di ko alam kung anong mangyayari. Gusto ko sulyapan yun framework ng Joomla eh atsaka Drupal.
Busy ako ngayon weekend. Sa Sunday, Magsisimba tapos pupunta ako sa magiging inaanak ko. Wala pa akong iaabot saknya. Makikita ko rin yung mga dati kong kaklase. Kumusta na kaya sila?
Sa Saturday naman, sana hindi kami mag-OT para makapagpahinga ako ng bonggang bongga. Sana….
Nakakapagod dito sa mundo. Walang katapusang problema. Siguro di talaga ako ditto belong. Siguro para sa heaven talaga ako. Naks!
Tatlong weeks na akong di nagsisimba. Aba reality check! Sino bang priority ko? Si Lord ba talaga? Parang hindi. Parang may iba pa.
Kaya nangyayari to eh, kasi di ko Sya naaalala. Ilan araw na ang nagdaan kahit isang panalangin wala. Di dapat ganun. Kaya ako nanghihina eh. Sa panahong ganito, kanino paba ako tatawag? Sino ba magtyatyagang makinig sa mga kwento kong to? Ikaw ba? Siguro.. Siya? OO.
Gusto kong humingi ng tawad sayo Lord, sa lahat ng mali kong nagawa na alam ko at sinadya ko, pati narin sa mga di ko alam na nagawa kong mali. Sana antukin agad ako, para din a ako mag-isip ng kung anu-ano. Hobby ko yun eh. My very consistent hobby.
Meron akong oreo cookies, pero bukas ko na kakainin.umagahan ko yun atsaka kung di wala masyadong gana, aabot ng tanghalian narin. Byernes na bukas, weekend na. kakasweldo lang wala na agad akong pera. Para akong money remittance center, nahahawakan ko lang ang pera, pero napupunta rin kung kanikanino. Ang pagkakaiba ko lang sa knila, sila binabayaran, ako hindi. Kaya negative lagi ang kita ko. Salat talaga ako sa pera, Pulubi! Hahahaha! Oks lang meron pa naman nagpapautang eh, hanggat andyan sila, makakaya kong mabuhay. Wag lang silang magsawa.
Labels: sari sari
Alam mo minsan kailngan mo ring tumigil magmahal ng ibang tao para sandaliang mahalin ang sarili mo. Minsan kailangan mo ring tumigil sa pag-alaga sa kanila para alagaan mo naman ang sarili mo. Minsan kailangan mong tumigil sa mga nakagawian mong gawin para di ka naman manawa.
(One can not serve two masters)
Minsan kailangan mo ring aliwin ang sarili mo.
Ganon din ba kung bakit tumitingin ang mga lalaki sa ibang babae. Para di manawa? Harhar. Di ko alam. Di ako lalaki.
Minsan bigyan mo rin ang sarili mo ng oras. Gaya ng paglalaan mo ng oras mo sa ibang tao. Tumingin ka sa salamin. Sabihin mong ang ganda mo. Ngumiti ka.
Minsan kailngan mong lumayo para makilala mo talaga ang sarili mo, para malaman mo kung ano talaga ang kailangan mo sa buhay, kung ano talaga ang gusto mo at kung ano at sino ba talaga ang importante sayo.
Ang drama no? Pero diba minsan wish mo rin to? Na sana once in your life ang kasama mo lang ay sarili mo, walang iistorbo sayo, walang mangangailangan sayo.
Minsan kahit di mo nararamdaman nasasakal ka na pala at minsan din nasasakal na ang ibang tao sayo.
Ang lungkot isipin. Lalo na kung sa malapit sa puso mo pa manggagaling. Kahit hindi diretsong sinabi. Minsan paranoid ka kasi eh. Tamang-hinala ba. Minsan ang mga sinasabi sayo na ibang tao, isang daan ang meaning sa tenga mo. Mabuti sana kung puro positive. E pano kung negative lahat yun isang daan na meaning na yun? Pano kana? San mo pupulutin ang sarili mo?
Sumakay ka ng spaceship at pumunta sa outerspace. Iwan mo muna lahat ng pasan mo. Lumayo ka muna. Para maranasan mo naman ang view sa malayo.
Sana may makamiss at mapuna ang pagkahina ng iyong awra. At sa pagbabalik mo, para kang bagong ligong aso, magpapagpag ng katawan at handa na ulit madumihan.
Ang lalim.hehehe. cheer up lang dude. Sana habang binabasa mo to, nakadama ka ng lungkot kasi yun din ang feeling ko habang tinatype ko to eh. Safe Trip!
Labels: moment
Never in my entire career I've met childish business people. Bihira ka naman kasi magpakita ng part of yourself sa ibang tao lalo na kung ang relation ninyo lang ay business partners. Harhar! Pero walang wala ang mga lolo't lola ninyo dito sa kakilala ko. Bakit kamo? Ikaw ba naman wala kang tiwala sa sarili mong decision??? Anu daw? Hay naku ang mga girlita at hunkie papable na ito! tsk tsk tsk. Di ko alam ang magiging reaction ko kung matatawa ako o malulungkot. hay.. kalerkey!
Ayoko na imention yun iba pang detalye.
kanina talaga kitang kita ko ang mga imaginary nilang sungay dati! hahahahah! as in! nananapak ang mga sungay nila at para bang sinasabi nilang naisahan ka namin! nyenyenyenyenye!
:( Too bad, I didn't see it coming. Sa mga ganitong pagkakataon parang nasayang lahat ng effort ko. Gusto kong tawagin ang sarili ko na LOSER, pero sa tuwing naiisip ko yun dahilan kung bakit nagmumukha akong naluging intsik eh napapakagat labi na lang ako at pasimpleng napapangiti.
Daig pa ang nagmemenopause na matanda (No offense). Napaka-utak parang mga bandido kung mag-isip. Hello!!!! Nasa corporate world po tayo, wala tayo sa casino!!!! Are you with me??? Palagay ko No.
Bad mag-isip ng masama sa kapwa, kaya bad tong ginagawa ko. Wag ninyo tong tularan. Bad practise to. pero dahil nangangati ang mga daliri ko at dahil narin sa dugong manunulat or magbablog pala heheheh, eh napasulat narin ako. Sana naman wag tayong ganun, masama maging tuso, magiging mukhang matsing ka. sige ka.
Just joking. At sa mga katulad ko naman na may feeling ng isang naluging intsik, Cheer up lang. basta malinis ang trabaho at hangarin mo, wala bad karma along your way. Hay, tao nga naman, just for survival, gagawin kahit di naman fair. Adios!
Labels: blind item
Baka kaya hindi sinasagot ni God yung prayers natin kasi may presence ng mga ito sa buhay mo? Ito yun preach ng pastor namin last Sunday, after two SUNDAYS kong di makapagchurch (too bad!). Kahit ako meron parin akong mga panalangin na di parin natutupad kasi meron ako ng mga to. Gusto ko lang ishare because it helps me a lot as a Christian, an individual ,a worker, a friend, a child, a sister and a neighbor to others. Kung kahit isa sa mga ito wala ka, im so proud of you! Pag pray mo rin ako ha. :D
I. Unconfessed sin (Psalm 66:18; Jeremiah 31:34; I John 1:9)
II Lack of Faith (Mark 6:1-6; Santiago 1:5-8; Matthew 21:2)
III. Disobedience (I John 3:21-23)
IV. Lack of Transparency with God and with others (Santiago 5:16)
V. Unforgiveness (Mateo 18:21,24; 6:14-15)
VI. Idols in our lives (Ezekiel 14:3)
VIII. Disregard for Others (Psalm 33:13; John 13:34; I Peter 3:7; 2:13)
IX. Disregard for God's Sovereignty (Matthew 6:9-10)
X. Unsurrendered Will (I Peter 3:12; Psalm 139:23-24)
Labels: Evangelism
Ang sakit, kapag humiling ka tapos di ka mapagbigyan, worst case ang daming palusot. Ganun ka rin ba? O ako lang ang ganun? Normal ba yun?
Alam mo ba yung feeling ng matapos di ka mapagbigyan? Feeling unimportant ka, na mas mahalaga yun palusot niya kaysa sayo. Di ba?
Minsan alam ko na sumosobra na ako sa mga hinihiling ko, pero di ko ba deserve yun mga hinihiling ko? Am I not worth it? ...I don't think so...
Matatawag mo bang spoiled yun? (Nagtanong pa ako..hahahah!) Bakit ko nga ba ito sinulat, kasi "di ako napagbigyan sa gusto ko at nasaktan ako"? o gusto kong bumuo ng group dito sa web, grupo ng mga di napagbigyan? hahaha. Wag nalang. Marami ang masisira ang future. Pero para dun sa mga naranasan ito, try mo rin gawin sa kanila. hahahah! ewan ko nalang kung di sila maglupasay sa sahig hanggat di nila nakukuha ang gusto nila. PEACE!
Labels: don't do this at home
Sana tayo na hanggang sa huli. hay... Naalala ko. Hinulaan ako dati ng lola ko eh. Alam mo kahit hindi totoo, pagkinuha niya yung kamay ko at babasahin yung palad ko, binigay ko eh. Kasi naeexcite ako sa mga mababasa niya. HAHAHA! Pag binabasa niya yung palad ko madalas tungkol sa puso eh. kung sino mapapangasawa ko. etchos! HAHAHAHAH!
Matagal narin kaming di nagkikita ng lola ko. Naalala ko yun last na hula niya sakin (basta kalokohan ang bilis ng pick up), na kung di man magtuloy tuloy yung current BF ko ng mga panahong yun e, ang mapapangasawa ko daw eh "Tawid dagat" . In short from far far away land. (Shrek ikaw ba yan?).
Anyway, nakakamiss lang. Pero alam mo minsan pag naiisip ko yun. Ang sarap eh. Sana nga tayo na ano? Kasi nagbreak kami nung nauna eh. so malay natin baka nga tayo na. HAHAHAHA! asa!
Kahit sabihin nating walang katotohanan ang mga hula, bakit ba tayo eh napakaBEKSAng pakinggan yung masasabi tungkol satin, lalo na pag may tumutugma sa present happenings ng ating buhay. Ako, tuwing hinuhulaan ako sa love ng lola ko, napapangiti ako eh (landi ko talaga!) OO, promise.hahahah! anyway, matagal na yun.
Kaso lang ang nakakalungkot eh,. Bakit ganun lola, dalawang lalake lang ang nasa hula mo? Pahula kaya ulit ako, baka nadagdagan! Charing! Sa bagay may nakapagsabi minsan sakin na guy (tunay na lalaki) na pangit din naman daw sa isang babae ang madaming naging BF. Natuwa ako. kasi nakakadalawa palang ako eh. Pero looking on the other side, SELFISH ka kuya! :D At sainyong mga boys ok lang na madami??? No no no no.
Pero above all these kalandian, sana nga tayo na ano? Nakakainspire pag nakakakita ako ng lolo at lola sa mall na nagdadate. Sabi ko nga sa current BF ko, sana pagtanda natin nagdadate parin tayo. Punta punta sa mall, sa Embassy from PM to AM.. joke!. (Never been there. Take me there!)
Kung tatanungin mo ko if I want to spend my lifetime with you, oo naman. I want to and I love to. Pero hindi ngayon mismo ha? HAHAHA! At the right place and at the right time at sana ako na yun right person :D. Landi talaga!
Labels: Churva
Ang ganda ng araw
Sana maging kasing ganda mo ako
Pero pagdating ng gabi
Lalamunin ka rin ng dilim
Ang ganda ng isla
Sana maging kasing ganda mo ako
Pero pag nag-high tide
Lalamunin ka rin ng tubig
Ang ganda ng tao
Sana maging kasing ganda mo ako
Pero pag ika'y natukso
Lalamunin ka ng dungis mo.
Maganda ba ako?
August 28, 2008
Sa Supercat (Calapan- Batangas)
Labels: Komposisyon
I learned my lesson.
To admit my mistakes and not to do same mistake again.Salamat Lord, iningatan mo sila. Panatag na ako andun sya para sa knila. Salamat Lord, I've learned my lesson.
Sabi nila kung mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo siya kung ano siya. Kahit san pa sya galing. Pero kung mahal mo sya talaga, babaguhin mo ang sarili mo para sa knya. Para di sya mawala sayo. That's love. Sacrifice.
For days, akala ko umuwi ako para gabayan ang nanay ko, but it's the other way around pala. To right my worngdoings and to accept people valuable to your loveones. Reality Check na rin. Kung tutuusin, gasgas na to eh. pero pag sayo na pala napatapat, kikitid din ang utak mo. Magkakamali karin.
Nagkamali ako pero sisikapin kong wag ng maulit pa. Ngayon ko mas naappreciate ang lahat. Sa simula, bawat hibla at bawat bagay masasabi kong I am a better person and I will be.
Totoo nga yung sabi nila, take it while it's hot. Don't waste time and don't be stupid to misunderstood everything.
Nakapangako ako sa isang importanteng tao sa buhay ko. ayokong baliin yun.
Siguro ito yung mission sa sakin ng mga taong mahal ko, to make me a better person. At sana ganun din ang dulot ko sa knila.
Yakapin ka at ang iyong pagkakamali. Itama ka. Ito ang pamilya ko.
I've learned my lesson.
Labels: Legacy
Empty. Sana sa mga panahong ganito, ganyan ang isipan ko. Tabula Rasa. Empty.Sa dami ng nasa isip ko ngayon hindi ko alam kung bakit di ako nangangamba. Wala lang, iniisip ko lang sila. Yung tipong parang isang sagot sa exam. Biglang naalala.
Di ko alam kung sobrang laki ng tiwala ko sa Diyos pero parang ganun na nga. Knina may operation di man lang ako nangamba ng totoo. Pinipilit ko eh. Pero hindi talaga. Pero pagdating sa bills medyo kinabahan , pero lumipas din. Ganito nalang talaga ang buhay ng Kristyano. Pagdating sa pangangamba, ang isip at puso niya isang "Tabula rasa".
Isa yun sa mga privilege mo pag Chritian ka. Freebie kung baga. Kaya siguro ineenjoy ko nalang. hehe.
P.S. ANg init dito kanina. Pati kahapon sa byahe. Para akong commercial model ng Zest yung nanglalagkit, yung bago gumamit ng zest sa pagligo. hehe. Kaasar. Pero ok narin at least hindi 300 pamasahe sa bus gaya ng ineexpect ko. 180 lang. ayos na rin. Salamat sa Maykapal.
Minsan magpopost ako ng isang malupit na komposisyon ko ha. Para naman magkasense ng konti ang blog ko. Pero parang ayaw ko eh. Baka angkinin ng iba. Kaya pinagiisipan ko pa.
Labels: 0
August 13, 2008. Blog. Ano kaya isusulat ko? Kanina meron na akong naisip eh. Kaso nakalimutan ko naman. Sige, mamaya nalang. Magtatrabaho muna ako.
Gusto ko magsulat. Dati masasabi kong mahusay akong magsulat. English pa nga eh. Kaso ngayon mas ok sakin ang tagalong. (Palusot). Marami ng nangyari sa buhay ko. Ayokong gayahin yun biography ni Pidol, saka na pag 80 years old na ako.
Masasabi kong gift sakin ni Lord ang pagsusulat, maliban sa pagsayaw na passion ko rin talaga. Pero madalang kong magamit ito sa ngayon. Busy atsaka medyo malayo sa trabaho ko ngayon.
Ngayon ko lang narealize sa mismong oras na to na sa tuwing magsusulat ako, feeling ko closer si God sakin.
Napabayaan ko nga lang. Masyado kong iningatan, di ko ginagamit. Di ko pinansin. Hanggang sa pumurol kaya eto nagsisismula ulit.
Ang bagal talaga nitong laptop.
August 14, 2008. Pringles. Supersticks. Kutsinta.
After a while Java Rice. Galunggong. Kangkong. Plain Rice. Mango Shake….Heaven!
Hay salamat, sobrang lapit na katotohanan tong ginagawa ko. Sasabak na naman sa panibagong journey!
Labels: una sa lahat



